Courtesy of Ken Suzuki/Nikke Asia
Mensahe ng pakikiramay at pakikiisa ang ipinaabot ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa mga biktima at naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao nitong Lunes.
Sa kanyang post sa social media platform na “X”, labis na kalungkutan ang naramdaman ng Japanese Prime Minister dahil sa malawakang pinsala at pagkawala ng ilang buhay dahil sa lindol.
“I am deeply saddened by reports that the major earthquake that struck off Mindanao in the southern Philippines today has caused damage, including the collapse of buildings,” pahayag ni Takaichi.
Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at pakikidalamhati sa lahat ng naapektuhan ng trahedya.
“I extend my heartfelt condolences to all those who lost their lives and to their bereaved families, and my sincere sympathies to all those affected,” dagdag pa ng punong ministro ng Japan.
Tiniyak din ni Japanese PM Takaichi na handa ang Japan na magbigay ng karagdagang tulong sa Pilipinas partikular sa mga lugar na labis na pinadapa ng malakas na lindol.
Kasabay nito ang pahayag ng Japanese leader sa patuloy na pagkakaisa ng Pilipinas at Japan sa gitna ng mga sakuna.