Naipagkaloob na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office CALABARZON ang mahigit ₱1 bilyong cash relief assistance sa mahigit 219,000 na public utility vehicle o PUV drivers at riders sa rehiyon, hanggang ngayong June 2026.
Ayon sa pabatid ng DSWD IV-A, tumanggap ng ₱5,000 ang bawat benepisyaryo bilang ayuda para makatulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya, matapos maapektuhan ang kanilang kabuhayan ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng krisis sa Gitnang Silangan.
Mula nang simulan ang distribusyon noong April 2026, umabot na sa mahigit 198,000 tricycle drivers; mahigit 13,000 jeepney drivers; at halos 7,000 service delivery riders ang nabigyan ng ayuda sa rehiyon.
Patuloy naman ang isinasagawang pamamahagi ng DSWD upang maabot ang iba pang mga apektadong PUV driver at rider sa CALABARZON. | ulat ni Mara Grezula | Radyo Pilipinas Lucena