Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na aayusin ang mga nasirang imprastruktura sa Davao Occidental at Davao del Sur matapos ang pagyanig dala ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani Province nitong Lunes ng umaga, June 8, 2026.
Sa panayam kay Dizon sa Davao City kaninang umaga, June 9, 2026, inihayag nito na nakikipag-ugnayan na siya sa mga lokal na pamahalaan sa mga bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental at Matanao, Dava del Sur para maisaayos ang mga nasira ng lindol.
Partikular na binanggit ng kalihim na dapat nitong ayusin ay ang mga gusali ng pampublikong paaralan na nawasak ng lindol kahapon.
Ayon kay Dizon na makikipag-ugnayan na rin ito kay Education Secretary Sonny Angara upang muling maipatayo ang nasabing mga paaralan sa nasabing mga bayan.