Nanawagan si pwersa ng Pilipino Pandagat O PPP Partylist Rep. Harold Duterte sa mga Minadaoan na manatiling kalmado, alerto at handa kasunod ng magnitude 7.8 na lindol na yunanig sa Davao at ibat ibang bahagi ng rehiyon.
Ayon sa mambabatas, dapat unahin ng mga residente ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya at mahigpit na sumunod sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan.
Nagbabala rin na posible pa ring makaranas ng mga aftershocks kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.
Pinayuhan niya ang publiko na ihanda ang kanilang mga emergency kit at makinig lamang sa opisyal na impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.
Kasabay nito, nagpaabot ang mambabatas ng panalangin para sa kaligtasan ng mga apektadong komunidad at hinikayat ang lahat na manatiling matatag sa harap ng kalamidad. | ulat ni Melany Reyes