Nakaisip ng magadang paraan ang Bureau of Customs (BOC) para maproteksyonan ang sarili laban sa modus ng Bag Tag Switching na napabalitang nangyari sa mga paliparan sa ibang bansa.
Ang bag tag switching ay isang uri ng frame-up at smuggling na gumagamit ng pagkakakilanlan ng biktima.
Ang modus, kokopyahin o ililipat sa ibang bahahe ang bag tag ng biktima at ito ay naglalaman ng ilegal ng droga at ilegal na produkto
Habang ang tunay na bagahe ay sadyang i-didelay upang madala ng biktima ang bag na naglalaman ng kontrabanda
Ayon sa BOC, upang hindi masangkot sa ganitong krimen habang nagbibiyahe, mahalagang sundin ang mga sumusunod na payo:
Una, kunan ng litrato ang iyong bagahe kasama ang bag tag at itago nang maayos ang claim stub.
Maaari ring lagyan ng tracking device ang bagahe upang mas madali itong mamonitor. Ang mga simpleng hakbang na ito ay maaaring magsilbing proteksyon at ebidensya sakaling magkaroon ng insidente.