Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Philippine Navy.
Tampok sa pagdiriwang ang commissioning o pormal na pagpasok sa serbisyo ng BRP Rajah Lakandula na dagdag asset sa Hukbong Pandagat na magpapalakas sa kahandaan nito sa operasyon at kakayahan sa pagpapanatili ng seguridad sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa talumpati naman ng Pangulo ay binigyang-diin nito ang importanteng papel ng Hukbong Pandagat sa harap ng aniya’y emerging gayundin ang regional threats.
Kinilala din ng Pangulo ang aniya’y commitment ng Philippin Navy para pagsilbihan lalo na ang mga biktima ng naganap na paglindol sa Mindanao.
Kasunod aniya ng pagyanig ay agad na inalerto ng Naval Forces Eastern Mindanao ang kanilang disaster response mechanism.