Pinaigting ng Philippine Coast Guard ang search at rescue operations sa General Santos City.
Ito ay kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Kabilang sa dineploy ng PCG ang 150 responders at dalawang karagdagang search and rescue dogs
Sa gumuhong commercial building sa Barangay Calumpang rumespondi ang tatlong deployable response groups at dalawang SAR dogs
Habang ang dalawa pang deployable response groups at Coast Guard High-Speed Response Boat ay idineploy sa Barangay Bawing para hanapin ang dalawang nawawalang indibidwal. | ulat ni DK Zarate