Nakakaranas pa rin ng bahagyang pagkaantala sa suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Davao Region at SOCCSKSARGEN matapos ang malakas na lindol na tumama sa Sarangani.
Ayon sa National Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department, hindi pa ganap na naibabalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na sakop ng SOCOTECO II at DASURECO.
Gayunman, 24 sa 25 apektadong munisipalidad, o katumbas ng 96 % ng mga lugar na sakop ng mga electric cooperative, ay mayroon nang suplay ng kuryente.
Patuloy pa ang restoration efforts para maibalik ang serbisyo sa mahigit 79,000 kabahayang nananatiling walang kuryente.
Nananatili ring nakaalerto ang mga EC at mga kinauukulang ahensya habang nagpapatuloy ang monitoring at pagkukumpuni sa mga apektadong pasilidad.