Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS hinggil sa panganib na dala ng “soil liquefaction” o ang paglambot ng lupa matapos ang lindol.
Sa panayam ng Mark In, Mark Out kay PHIVOLCS Senior Science Research Specialist Maria Isabel Abigania, karaniwan itong nangyayari sa mga lugar malapit sa tabing-dagat o kahit na anong uri ng katubigan kung saan ang lupa ay nasa ibabaw ng water table na pansamantalang nawawalan ng tibay matapos ang malakas na lindol.
Lubhang delikado ito dahil nagmimistulang kumunoy ang lupa na posibleng maging mapanganib sa mga residente at mga istruktura na posibleng gumuho o basta na lang lumubog.
Binibigyan na rin ng access ng PHIVOLCS sa impormasyon hinggil sa liquefaction ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices upang agad na matukoy ang mga lugar na prone sa soil liquefaction. | via Eph Gaytos