Courtesy of Department of Agriculture
May ilang rice retailer pa rin ang hindi sumusunod sa price cap ng imported rice.
Sa pag-iikot ni DA Asec. Arnel De Mesa sa Murphy Public Market sa Quezon City, apat na rice retailer ang binigyan ng notice of violation matapos makitang lumabag sa umiiral na regulasyon.
Ang mga nasitang tindahan ay lampas pa rin sa P50 ang bentahan ng imported na bigas.
Pinaalalahan din ang ilang rice retailer na sundin ang tamang labeling ng mga produktong bigas. Dapat umanong gumamit ng kulay asul o blue shelf talker para sa imported na bigas at kulay puti o white shelf talker naman para sa lokal na bigas.
Bukod naman sa bigas, sinuri rin ng DA ang presyo at suplay ng karne, gulay, at isda sa pamilihan.
