Nagsasagawa na rin ng damage assessment at pagsasaayos sa mga paaralan ang Departament of Public Works and Highways (DPWH) sa Mindanao kasunod ng Magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, una nilang inasikaso ang mga nasirang kalye at tulay para siguradong mabilis na makakarating ang mga tulong at mga emergency.
Prayoridad din nila na matiyak ang integridad ng mga ospital na kailangang matatag sa panahon ng kalamidad kung saan gagamutin ang mga biktima.
Ngayong naayos na ang ilan sa mga ito, tinututukan na rin ng DPWH ang mga paaralan.
Ayon kay Secretary Dizon maraming eskwelahan ang nasira ng lindol sa bahagi ng Region 12, Gensan, Sarangani, South Cotabato, Davao Occidental , at Davao Del Sur.
Nakikipagtulungan sila kay Education Secretary Sonny Angara sa pagsasaayos ng paaralan upang agad magamit ngayong balik-eskwela.