DOLE, bubuo ng team na po-protekta sa mga manggagawa tuwing may sakuna
Bubuo ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng specialized rescue team para protektahan ang mga manggagawa sa panahon ng sakuna kasunod ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ang Occupational Safety and Health Center ang naatasang bumuo ng grupo na direktang tutulong sa mga manggagawa tuwing may natural disaster o iba pang emergency.
Sasailalim ang specialized rescue team sa disaster preparedness at tactical rescue training para matiyak ang mabilis na deployment sa emergency zones.