Nakiisa ang Diocese of Legazpi sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magdasal at magbigay ng tulong para sa mga mamamayang naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani.
Bilang tugon sa apela ng CBCP, magsasagawa ng ikalawang koleksyon sa lahat ng misa sa Hunyo 14, 2026. Ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa mga relief at rehabilitation efforts sa mga komunidad na naapektuhan ng sakuna.

Hinimok ng diyosesis ang mga mananampalataya na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima, kanilang mga pamilya, mga rescuer, at iba pang nasa frontline ng response at recovery operations.
Ayon sa Diocese of Legazpi, mahalaga ang pagkakaisa at malasakit ng bawat isa upang makatulong sa pagbangon ng mga komunidad na naapektuhan ng lindol at maipakita ang diwa ng pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.
📸 Diocese of Legazpi