Naglaan ng 15.1 Billion pesos ang Government Insurance System o GSIS para sa emergency assistance na maaaring makuha ng mga pensioners na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Ayon sa GSIS nasa 608,343 na pensioner ang maaaring makinabang dito. Ang siste maaaring mag-apply ng hanggang 20 thousand na loan ang mga pensioners at direkta itong maccredit sa kanilang ATM Accounts. Para naman sa mga may existing loans maaaring magloan ng hanggang 40 thousand pesos para bayaran anaman ang mga natitirang loan.
Ang interes naman ay 6 percent at pwede ang hanggang three-year payment na term.
Ang maaari namang magapply ay mga aktibong myembro, mga retirees at disability pensioners na nakatira o nagttrabaho sa lugar na nasa state of calamity.
Maaari namang tumanggap ang GSIS ng application hanggang sa September 7, 2026. Makakapag-apply gamit ang GSIS Touch mobile application. | ulat ni Louisa Erispe