Sinabi ni Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng konektado sa 18 ex-bodyguards ni dating Congressman Zaldy Co ang sinasabing banta sa seguridad sa Senado kaya inilagay ito sa heightened alert.
Ayon kay Gatchalian, ang impormasyong ito ay binahagi sa kanila ni NBI Director Melvin Matibag nitong lunes, nang dumalo ang opisyal sa consultative meeting ng Blue Ribbon Committee.
Sinabi ng acting senate president na sineseryoso nila ang lahat ng banta kaya nagpatupad agad ng mahigpit na seguridad sa Senado.
Inatasan na rin aniya ni Gatchalian ang senate office of sergeant at arms na makipag-ugnayan sa mga intelligence agencies para maberipika ang security threat sa Senado.
Kabilang na rin aniya sa minomonitor ng mataas na kapulungan ang impormasyon tungkol sa malakihang rally na gagawin sa June 12 kontra sa pamahalaan dahil baka maging isa rin sa target dito ang Senado. | ulat ni Melany Reyes