Inihain ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, kasama sina Rep. Sarah Jane Elago (Gabriela Women’s Party) at Rep. Renee Louise Co (Kabataan Party-list) ang House Bill 9841 o Comprehensive Nursing Law of 2026, na naglalayong ayusin ang sektor ng nursing sa bansa.
Nakasaad sa house bill na itaas ang pasahod sa P50,000 sa entry-level, at tiyakin ang ligtas na nurse-to-patient ratio para protektahan ang mga healthcare worker at publiko.
Ayon kay Tinio, layon ng hakbang na itama ang kawalang katarungan at bumuo ng sistemang pangkalusugan na tunay na nagsisilbi sa Pilipino.
Layon din nitong amiendahan ang
Republic Act No. 9173 o Philippine Nursing Act of 2002, at direktang tinutugunan ang pangunahing dahilan ng krisis sa nursing: mababang sahod, kontraktwal na trabaho, at mapanganib na kondisyon sa trabaho.
Kasama rin ang lahat ng benepisyo tulad ng overtime at hazard pay.
Kasama rin sa panukalang batas ang pagpapalakas ng Board of Nursing, pagpapabuti ng nursing education ayon sa lokal na pangangailangan, at mga mekanismo para sa career progression. | ulat ni Melany Reyes