Nag-deploy na ng mga tauhan ang Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) sa Balut Island na sakop ng bayan ng Sarangani, Davao Occidental na lubha ring naapektohan ng 7.8 Magnitude na lindol na naka-sentro sa Maasim, Sarangani Province, Lunes ng umaga, June 8, 2026.
Sa pahayag na inlabas ng NFEM, nasa 14 na mga reservists mula sa 920th Marine Weapons Company Reserve (MWCR) ang nakarating na sa nasabing lugar nitong Martes, June 9, 2026.
Ayon sa NFEM, tumutulong ang nasabing reservists sa pagtatayo ng temporary shelter sa mga apektadong residente na temporaryong lumikas dahil sa patuloy na aftershocks.
Bukod dito, tumutulong din ang mga ito sa lokal na pamahalaan para sa patuloy na rescue operations sa nabanggit na lugar.
Ang nasabing deployment ay parte ng kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ng Philippine Navy na naglalayong makabigay ng agarang tulong sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang maabot nito ang mga apektado ng nasabing pagyanig.
📸 Naval Forces Eastern Mindanao