Nakatakdang ihatid ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang mga modular at family tents sa Balut Island na sakop ng bayan ng Sarangani, Davao Occidental na lubhang naapektohan ng 7.8 Magnitude na lindol nitong Lunes, June 8, 2026.
Ayon sa pahayag ng CGDSEM, ikinarga na kagabi sa BRP MALAMAWI ang 100 modular tents at 75 family tents mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) 11 para ihatid ito sa nabanggit na lugar.
Inaasahang darating ngayong araw, June 10 ang nasabing modular tents para magamit ng mga apektadong pamilya na pansamantalang lumikas.
Bukod dito, tumutulong din ang mga tauhan ng Coast Guard para ikarga ang mga relief items para sa deployment ng essential shelter assistance sa mga apektadong komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Intensified Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) program ng Philippine Coast Guard sa paghahatid ng humanitarian assistance at disaster response support sa mga nangangailangang komunidad.
📸 PCG

