Tuloy-tuloy ang pamahalaan sa paglikha ng de-kalidad at produktibong trabaho para sa mga Pilipino, kahit pa tumaas ang antas ng employment sa bansa noong April 2026.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, base sa datos ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), pumalo sa 48.89 milyon ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong mayroong trabaho noong April 2026.
Nasa 62.3%, mula sa sektor ng serbisyo.
“Ang total employment ay tumaas sa 48.89 million noong Abril 2026, kung saan ang services sector ang may pinakamalaking bahagi na 62.3 porsiyento.” -Castro
Ayon kay Castro, kahit marami ang hamon sa ekonomiya ng Pilipinas, hindi sumusuko ang mga Pilipino kasabay ng patuloy na interventions ng pamahalaan.
“Bagama’t tumaas ang employment rate, patuloy pa rin ang ating gobyerno sa paglikha ng de-kalidad na trabaho at pagbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan sa ating mga kababayan.” -Castro
Ayon kay Castro, ang positibong datos sa employment ay sumasalamin sa katatagan ng mga manggagawang Pilipino at sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na lumikha ng de-kalidad na trabaho, makahikayat ng mga pamumuhunan, at makapagbigay ng tulong pangkabuhayan sa mga nawalan ng trabaho at mga nagbalik na overseas Filipino workers (OFWs).
Binanggit din ni Castro ang pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE), na patuloy na nakatututok ang administrasyon sa paglikha ng trabaho, social protection, at pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko.
“Ayon naman po kay Secretary Francis Tolentino, ang gobyerno ay patuloy na gumaganap at nakatuon sa agenda ng trabaho, social protection, at pagpapabuti ng mga serbisyong pampubliko,” ani Castro.
Binigyang-diin din ni Castro ang layunin ng administrasyon na higit pang palakasin ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino upang maging mas competitive at magkaroon ng malinaw na landas mula edukasyon patungo sa hanapbuhay.
“Pinapalakas ng gobyerno ang kakayahan ng mga manggagawa upang maging mas makipagkumpetensya at bumuo ng malinaw na landas mula edukasyon patungo sa hanapbuhay.” -Castro