Photo by DHSUD Bicol
Tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang 403 benepisyaryo mula sa bayan ng Bato, Catanduanes na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Pepito.
Isinagawa ang pamamahagi ng ayuda nitong June 10 kung saan tumanggap ng tig-₱30,000 ang mga may lubusang nasirang bahay habang ₱10,000 naman ang ipinagkaloob sa mga may bahagyang napinsalang tahanan, upang makatulong sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng kanilang mga bahay.
Pinangunahan ng mga kawani ng DHSUD Region 5, katuwang ang IDSAP Team, ang distribusyon ng ayuda bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Nagpahayag naman aniya ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa natanggap na tulong, na kanilang gagamitin sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan at pagtugon sa iba pang pangunahing pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Patuloy din aniya na isinusulong ng pamahalaan ang mga programang makatutulong sa pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng mga sakuna.