Nagpulong sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino at Her Excellency Sarah Hulton, Ambassador of the United Kingdom to the Philippines upang talakayin ang pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng paggawa, trabaho, at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga manggagawang Pilipino.
Tinalakay sa pulong ang pagpapalawak ng oportunidad para sa tinatayang 200,000 Pilipinong nagtatrabaho sa United Kingdom, kabilang ang mga nasa sektor ng healthcare, information technology, aviation, hospitality, at serbisyo.
Napag-usapan din ang patas at responsableng pagre-recruit ng mga Filipino healthcare professional, pati ang posibleng pagtutulungan sa pagsasanay at paghasa ng kakayahan ng mga manggagawa sa gitna ng lumalawak na paggamit ng digital technology at artificial intelligence.
Ipinahayag din ni Tolentino ang plano ng Pilipinas na muling magbukas ng labor attaché office sa Geneva at hiniling ang suporta ng United Kingdom sa pagsusulong ng Archipelagic Sealanes Act sa International Labor Organization.
Dumalo rin sa pulong sina Department of Labor and Employment Undersecretary Carmela Torres, Department of Labor and Employment Undersecretary Warren Miclat, Department of Labor and Employment Undersecretary Atty. Felipe Egargo, at Department of Labor and Employment OIC-Undersecretary Atty. Gerard Mosquera.