MMDA, naka-bantay na sa mga kaso ng illegal parking sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
Nakatutok na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ikakasang aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, bukas.
Isa nga sa mga matamang binabantayan ng MMDA ay ang mga kaso ng illegal parking sa iba’t-ibang major thoroughfares lalo na sa mga ikinakasang kilos-protesta.
Ayon kay MMDA Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go, hindi nila palalagpasin ang mga indibidwal na lalabag sa traffic rules partikular sa kaso ng illegal parking.