Sinentensiyahan ng 30 taong pagkakakulong si dating South Korean President Yoon Suk Yeol matapos mapatunayang siya ang nasa likod nang pagpapakawala ng drones patungong North Korea.
Ito ang kinumpirma ng isang tagapagsalita mula sa Seoul Central District Court.
Kasama sa nasabing pagpapalipad ng mga drone patungong Pyongyang ang pagpapakalat ng propaganda leaflets na nagdulot nang matinding tensiyong pangmilitar sa pagitan ng North at South Korea noong Oktubre 2024.
Inihayag ng mga taga-usig noong Abril na ang hakbang ni dating Pangulong Yoon ay naglagay sa seguridad ng South Korea sa malaking panganib.
Mariin namang itinanggi ng dating South Korean leader ang mga paratang laban sa kaniya.
Ang hatol na ito ay dagdag lamang sa serye ng mga kaso laban sa napatalsik na konserbatibong pinuno na dating nagsilbi bilang lead prosecutor sa South Korea.