Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, muling napatunayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa iba’t ibang dako ng mundo na ang diwa ng nasyonalismo ay nananatiling buhay at nag-aalab, saanman sila mapadpad.
Naging mas malawak ang diaspora ng mga Pilipino at mas nagiging masidhi ang dedikasyon ng mga OFW na ipagdiwang ang okasyong ito bilang simbolo ng kanilang pagkakakilanlan.
Sa pagsusuri ng sociologist na si Prof. Louie Montemar, ang ganitong mga aktibidad ay nagsisilbing tulay upang mapatibay ang samahan ng mga Pilipino sa ibayong dagat.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, ibinahagi ni Glyn Osorio, isang gurong Pilipino na kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Colombia, ang sitwasyon at paghahanda ng komunidad ng mga Pilipino roon para sa makasaysayang okasyon.
“Yes po, cause it’s like something that we could feel like we’re at home, and although we are far from our country, family, friends, having this event, especially the Independence Day, it gives us a feeling of belongingness and we bring everyone closer together,” paglalahad ni Osorio.
Ayon din kay Osorio, ang matandang kasabihang “tayo-tayo lang din ang magtutulungan” ang nagiging pangunahing sandigan at pinagkukunan ng lakas ng mga kababayan natin sa Colombia.
Ito ang nagbibigay sa kanila ng pakiramdam na kahit libo-libong kilometro ang layo nila sa tinubuang lupa, nananatili pa rin sa kanilang mga puso ang diwa ng Pilipinas.
Ibinahagi rin ni Osorio na ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, partikular ang mga aktibidad noong nakaraang taon, ay naging daan upang maipamalas ang kulturang Pilipino sa mga lokal na mamamayan.
”In March, our 1st official Independence Day Celebration and it was organized by the beloved Philippine Embassy. So the event was attended by the members of the Filipino Community here in Colombia, and it was a wonderful opportunity for us to come together and celebrate our heritage; of course, no Filipino gathering without karaoke, something Filipinos are very well known,” ani Osorio.
Naging tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang lutuing Pilipino na labis na kinaaliwan ng mga Colombian dahil sa kakaiba at natatanging lasa nito kumpara sa kanilang mga tradisyonal na pagkain.
Ang nasabing pagtitipon ay nagdulot ng masayang atmospera na kinagiliwan ng lahat ng dumalo.
Para sa taong ito, nakatakdang isagawa ang opisyal na paggunita sa ika-128 na Araw ng Kalayaan bukas, Hunyo 12 (oras sa Colombia), sa ilalim ng pamumuno at paghahanda ng Pasuguan ng Pilipinas na sumasakop sa nasabing rehiyon.
“We are celebrating the 128th Philippine Independence Day tomorrow, and one of the highlights of the event was a special performance by our very own Filipino motel awarded broadway singer Hope Evangelista. In addition to that, the next day, Saturday, we will be performing at the school where I work, a special treat for the parishioners following the holy mass, so through these performances, we hope to share and show this Filipino culture, talent, and artistry here in Colombia,” dagdag ni Osorio.
11 taon nang naglilingkod si Osorio bilang isang guro ng wikang Ingles sa mga mag-aaral sa elementarya at mataas na paaralan sa Colombia.
Ayon sa kaniya, patuloy ang paglago ng bilang ng mga propesyonal na Pilipino sa nasabing bansa sa Timog Amerika.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa mahigit 100 na ang mga gurong Pilipino roon bukod pa sa mga inhinyero at mga negosyante na matagumpay ring nagtataguyod ng kani-kanilang mga karera.