Nakikipag-ugnayan na ang Employees’ Compensation Commission (ECC) sa mga ahensya ng pamahalaan para alamin sino ang mga empleyado na nasugatan o nasawi habang nasa trabaho noong panahon ng lindol sa Mindanao
Ayon kasi sa ECC, may karapatan kasi ang mga empleyado na makakuha ng EC sickness o disability benefits, rehabilitation assistance, at reimbursement ng kanilang gastusing medikal.
Kahit nga ang mga pamilya ng mga empleyado na nasawi dahil sa lindol makakakuha ng EC death benefits na may kasamang death pension. Maaari ding makakuha ng funeral benefits na aabot sa ₱30,000 at ECC cash assistance na ₱15,000.

Hinihikayat naman ng ECC ang employers na agad na mag-report sa kanila ang mga empleyadong maaaring makakuha ng benepisyo, at inatasan naman ni DOLE Acting Secretary Francis Tolentino ang ECC bilang Governing Board Chairperson na madaliin na maibigay ang benepisyo ng mga empleyado.#