Umabot sa 907 na mga aplikante ang nag-register sa isinagawang job fair ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at Department of Labor and Employment (DOLE) sa SM East Ortigas.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagbubukas ng aktibidad kaninang umaga na layong magbigay oportunidad sa mga kababayan nating walang trabaho.
Ayon sa Pasig Public Employment Service Office, nasa 185 na mga aplikante ang hired-on-the-spot.
Tampok sa naturang job fair ang iba’t ibang kompanya na may alok na mga trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa partikular na sa Australia, Papua New Guinea, Madagascar, Czech Republic, Croatia, Slovakia, at Lithuania.
Kabilang naman sa mga alok na trabaho ay nurse, accountant, cleaner, carpenter, electrician, at iba pa. | ulat ni Diane Lear