Nanindigan si Senator Jinggoy estrada na walang matibay na basehan ang mga legal experts na nagsasabing hindi na sya pwedeng lumahok bilang Senator-judge sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte habang sya ay nakakulong.
Ayon sa Senador wala pa namang pinal na sagot hinggil sa isyu kung makakasama ba sya o hindi dahil pa naman sya suspendido bilang senador. Giit pa nga ni Estrada sinabi sa kanya ng korte na may prosesong kailangang pagdaanan kung talagang susupendihin sya. kailangan muna nyang maghain ng komento, oposisyon at iba pang legal remedies bago sya tuluyang masuspinde.
Hanggang walang final ruling, walang basehan ang mga nagsasabi na wala na syang karapatan na umupo bilang senator-judge.
Nagpasaring naman ang senador sa nga nasa legal professioj na sana wag pangunahan ang batas at prosesong itinakda nito. Wag din sana pairalin ang sariling interpretasyon para lang hubugin ang opinyon ng publiko.
Nangako naman si Estrada na bagamat nasa kulungan ay patuloy nyang gagampanan ang kanyang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon at batas ng bansa. | ulat ni Louisa Erispe