Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na ang palakpakan kanina at hiyawan ng publiko nang kilalanin ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa Independence Day Rites si Senate President Pro Tempore at Acting SP Sherwin Gatchalian at patunay ng malakas ang suporta ng publiko sa bagong upong liderato.
Sa kanyang post sa X ayon kay Senator Lacson ang nakuhang palakpak ni Gatchalian ay mas malinaw na simbolo na tanggap at suportado ito at hindi kinaaayawan o kinaiinisan.
Malinaw din dito na hindi kailangan pa umanong tanungin “who versus who” o sino ang dapat kilalanin.
Si Gatchalian ang inimbita ng Malacañang sa paggunita ng Independence Day sa Quirino Grandstand kasama si House Speaker Bojie Dy imbis na si Senator Alan Peter Cayetano
Matatandaan na noong June 3 nahalal si Gatchalian bilang SP Pro Tempore at umupo bilang Acting Senate President dahil naging bakante ang lahat ng posisyon kaya pinaniniwalaang natanggal bilang SP si Cayetano. | ulat ni Louisa Erispe