Courtesy of Kurdistan24
Kaibigan, partner at kaalyado ng Estados Unidos, ganyan inilarawan ni US Secretary of State Marco Rubio ang PIlipinas sa pagbati nito sa 128th Independence Day ngayong araw.
Sa pahayag na inilabas ng Embahada ng US sa PIlipinas, inalala ni Rubio ang 80 taon na matibay na diplomatic relation ng dalawang bansa na nagsimula pa noong World War II.
75 years na rin umano ang ‘di matitibag na mutual defense commitments ng dalawang bansa na naselyuhan noon pang 1951 Mutual Defense Treaty at ngayon patuloy pang tumitibay ang relasyon ng US at PIlipinas sa pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng Luzon Economic Corridor.
Kinikilala din ng US na may apat na milyong FIlipino-American na nakatira sa US at may 750,000 namang Amerikano sa Pilipinas at isa rin ito sa dahilan para mas tumibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Umaasa naman ang US sa patuloy na pakikipagtulungan sa PIlipinas para sa kapayapaan, security at paglago ng ekonomiya sa mag susunod pang taon.