Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 215 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat nito ngayong June 13, 2026.
Nasa 52 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring noong June 11, 2026.
May taas na 150 metro ang plume ng bulkan na nasa katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran at kanluran-timog-kanluran.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa timog-silangang bahagi ng bulkan. Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang steam-driven o phreatic explosion anumang oras.
📸PHIVOLCS