Malaki na ang ibinaba ng bilang ng mga batang manggagawa sa bansa na mula sa 828,000 noong 2022 ay sumampa na lang sa 509,000 noong 2024 dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa Child Labor ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon sa DOLE, bunga ito ng mas matatag na mga programa ng gobyerno at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor upang mailayo ang mga bata sa mapagsamantalang paggawa at matiyak na nananatili sila sa paaralan.
Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, nanawagan si Labor Secretary Francis Tolentino sa publiko na tumulong sa pagsusulong ng isa pang anyo ng kalayaan para sa mga kabataan—ang kalayaan mula sa child labor.
Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos habang nakikiisa ang Pilipinas sa paggunita ng World Day Against Child Labor 2026 sa ilalim ng temang “Red Card to Child Labor: Fair Play for Children, Decent Work for Adults.”
Ayon kay Tolentino, hinihikayat ng tema ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya at programang naglalayong pigilan at tuluyang wakasan ang child labor sa bansa.
“The theme calls for intensified action and stronger implementation of policies and programs aimed at preventing and eliminating child labor,” giit ni Tolentino.
“Addressing child labor is a shared responsibility that requires the active participation of all sectors of society if we are to achieve our aspiration of becoming a child-labor-free nation,” dagdag Labor Sec. Tolentino.