Laging handang tumugon ang ating Migrant Workers’ Office (MWO) sa Prague, Czech Republic sa mga katanungan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) na nasa mga bansang nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Sa kabila ng limitadong MWO staff hindi nagiging balakid ito sa pagtupad ng pangunahing tungkulin ng MWO-Prague na maghanap at masiguro ang tamang accreditation ng mga kompanyang nais na mag hire ng mga Pilipino Workers at tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW gayundin ang mga karapatan ng mga ito bilang mga OFW at maibigay ang tamang serbisyo para sa mga bagong bayani ng bayan.
Kaugnay nito, hinikayat ni MWO-Prague Labor Attaché Llewelyn Perez ang mga OFW na gumamit ng iba’t ibang platform upang maipahatid ang kanilang mensahe.
Ani Perez, patuloy silang maglalatag ng mga bagong programa upang mas lalong maipadama sa mga OFW ang presensya ng ating pamahalaan, saan mang dako ng mundo.