Inihayag ni United States President Donald Trump na nakatakda nang lagdaan ngayong linggo ang isang paunang kasunduang pangkapayapaan sa Iran na naglalayong muling buksan ang Strait of Hormuz.
Subalit, ayon sa ulat ng CNN, mariing pinabulaanan ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran ang planong pagpirma, kung saan binatikos ng IRGC ang anila’y “hindi pangkaraniwang pagpilit” ng US leader sa itinatakdang petsa, at binigyang-diin na hindi pa pinal ang pangkalahatang balangkas ng kasunduan.
Matatandaan na pinaplanong isagawa ang paglagda sa pamamagitan ng isang virtual meeting.
Hakbang ito upang maiwasan ang mga hamong lohikal at logistikal na maaaring magdulot ng pagkaantala sa proseso.
Ang mapagkakasunduang memorandum of understanding ay magsisilbing hudyat para sa panibagong 60-araw na negosasyon na gagamiting panahaon upang talakayin ang pagpapatupad ng kasunduan at resolbahin ang mga nalalabing isyu.
Sa kabila nito, nananatili ang mga malalaking katanungan dahil sa magkakaibang pahayag ng dalawang bansa hinggil sa mga detalye ng pirmahan.
Kabilang sa mga hindi pa pinagkakasunduan ay ang mga plano para sa nuclear program ng Tehran, ang mga regional proxy group, at ang mga naka-schedule na frozen funds ng Iran.
(Screengrab via President Trump’s Truth Social Account)