Nilinaw ng Bureau of Corrections (BOC) na nakakulong pa rin sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si Retired Major Jovito Palparan taliwas sa mga balitang inilipat ito sa Philippine Military Academy sa Baguio City
Sa inilabas na pahayag ng BuCor hindi basta basta inililipat ang mga high profile na PDL tulad ni PalparaN kung sakali man dadaan pa ito sa mahigpit na protocols at documentation bago tuluyang mailipat sa ibang bilibid o kulungan mula sa NBP
Ang isyu naman na inilipat sa PMA Baguio si Palparan ay nagmula sa petisyon sa Korte Suprema ng pamilya ng mga biktima na nanghihingi ng impormasyon kung nasaan ba talaga ito Matatandaan na nakakulong si Palparan mula sa kasong kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng dalawang babaeng estudyante noong 2006.