Lumagda sa isang kasunduan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Teach Peace, Build Peace Movement (TPBPM) sa DSWD Central Office sa Quezon City nitong Martes, Hunyo 16.
Layunin ng kasunduan na palakasin ang mga programa sa peace-building at isulong ang peace education para sa mga kabataan at komunidad sa buong bansa.
Dumalo sa pagpupulong si Director Miramel Laxa ng DSWD Peace and Development Buong Bansa Mapayapa Program, kasama si Jessie Mar Chavez na nagbigay ng overview ng partnership.
Kinatawan naman ng Teach Peace, Build Peace Movement si Founder at Executive Director Bai Rohaniza Sumndad-Usman, kasama ang iba pang opisyal ng organisasyon.
Ayon sa TPBPM, tututukan nila ang paghubog ng kultura ng kapayapaan sa mga paaralan at komunidad sa pamamagitan ng edukasyon.
Inaasahan ng dalawang panig na magbubukas ang kasunduan ng mas pinalawak na peace-building initiatives sa mga susunod na taon.