Maraming mga Pilipino ang nagpahayag nang pagiging bukas sa mga oportunidad na makapagtrabaho o manirahan sa ibang bansa.
Sa isinagawang survey ng OCTA Research nitong Marso 19-25, 2026 sa 1,200 Filipino adult respondents sa tanong na “kung willing silang magtrabaho o mag-migrate sa ibang bansa,” lumabas na 57% sa mga ito ang nais magtrabaho o mag-migrate sa ibang bansa.
Ngunit ayon kay Octa Research Fellow, Professor Guido David, sinabi nito 67% din ang nagsabi na ang pangunahing dahilan ng pagtatrabaho o paninirarahan sa ibang bansa ay dahil mas mataas pasahod doon kumpara rito sa Pilipinas.
Mayroon rin aniyang nagsabi na dahil sa sistema ng politika sa bansa ay ninanais na ng iba na mag-migrate.
Ayon pa kay Prof. David, nakababahala ang naging resulta ng survey dahil hindi na lamang mga nasa laylayan ang nais mag-abroad kundi pati ang mga nasa middle at upper class na miyembro ng lipunan na maituturing na may mga kaya sa buhay.
Bagama’t mayroong 39% ang nagsabing ayaw umalis ng bansa, sinabi ni David na nakaaalarma ito dahil mahigit sa kalahati ng populasyon ang mawawala sa bansa kung sakaling mangyari ito.