Nakatakda sa June 29 ang pormal na pagdinig ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng beripikasyon sa working permit ng Ateneo Men’s Basketball coach na si Tab Baldwin.
Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, hanggang June 25 ang palugit kay Baldwin upang magsumite ng verified answer at mga kaukulang dokumento kaugnay ng kanyang Alien Employment Permit (AEP).
Sa unang pagdinig, iniharap ng kampo ni Baldwin ang kanyang Alien Certificate of Registration na nagpapatunay ng ligal na paninirahan niya sa Pilipinas, ngunit nilinaw ng DOLE na hindi ito awtomatikong nagbibigay ng pahintulot upang magtrabaho sa bansa.
Hindi nakadalo si Baldwin sa pagdinig dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan at kinatawan siya ng kanyang abogado na si Atty. Janella Flordeliza.
Nilinaw ni Tolentino na sa kasalukuyan ay si Baldwin lamang ang sakop ng proseso at pag-aaralan pa kung kakailanganin ding isama ang Ateneo de Manila University sa pagdinig.