Magpapadala ng tulong ang ilang Malaysian Non-Government Organizations (NGO) sa komunidad ng Sarangani, Davao Occidental na lubhang niyanig ng Magnitude 7.8 na lindol. Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) 11 Regional Director Ednar Dayanghirang sa isinagawang Kapehan sa Dabaw sa SM City Davao Annex.
Ayon kay Dayanghirang na nakikipag-ugnayan sa opisina nito ang mga grupo ng Malaysian Nationals upang maipadala ang tulong lalo na sa mga Muslim Communities na apektado ng lindol.
Inilahad ng opisyal na ilan sa mga ibibigay na tulong ng mga grupo ay pagkain at iba pang relief goods. Kasama rin sa nag-facilitate ng paghahatid ng tulong ang National Commission on Muslim Filipinos.