Isang welcome development ayon sa United Nations Human Rights Council ang peace deal ng Estados Unidos at Iran.
Ayon kay United Nations High Commissioner for Human Rights Volker Turk, dapat pagpursigihan ng dalawang panig ang agarang pagpapatupad ng nasabing peace deal upang matuldukan na rin ang mga kaguluhan.
Ani Turk napakaraming naitalang human rights violations sa pagpapatuloy ng kaguluhan patunay na ang hidwaan at karahasan ay hindi kailanman magiging sagot sa anomang hindi pagkakaunawaan.
Kinakailangan ding makapagsagawa ng serye ng imbestigasyon para sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa karapatang-pantao sa kasagsagan ng kaguluhan.