Photo courtesy of COMELEC
Walang-patid ang arangkada ng mga paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) habang hinihintay ang batas na posibleng magpaliban rito.
Sa panayam ng programang Boses kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia pinaghahandaan na nila ngayon ang nalalapit na pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa BSKE na sisimulan sa September 28 at magtatagal hanggang October 5.
Patuloy din ang delivery ng COMELEC sa mga gagamiting election paraphernalias sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa ngayon nasa desisyon na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung malalagdaan at maisasabatas ang extension ng termino ng mga incumbent Barangay at SK officials na magre-resulta sa pagpapaliban sa BSKE na nakatakda sana sa November 2, 2026.
Pagtitiyak naman ni Garcia, na sakaling hindi man matuloy ang BSKE ay hindi naman masasayang ang mga kagamitang naihanda na dahil magagamit pa rin naman ito sakaling isagawa na ang BSKE.