Hindi tumitigil ang Department of Agriculture o DA sa pagpapaabot ng tulong sa mga agri stakeholder partikular ang mga magsasaka at mangingisda bunsod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, sinabi nitong patuloy ang pag-iral ng fuel subsidy program ng DA kung saan nakatanggap na ito ng dagdag na budget para sa programa.
Mahalagang maibigay ito agad sa mga magsasaka dahil umaarangkada na ang wet cropping season gayundin sa mga mangingisda upang magpatuloy sila sa pagpalaot at panghuhuli ng mga isda.
Nariyan din ang pamamahagi ng fertilizer ng DA para naman sa mga magsasaka.
Isa rin kasi ang pataba sa lupa o fertilizer sa mga direktang apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Hirit pa ng DA na maaaring madagdag upang makatulong sa agri stakeholders ay ang libreng toll para sa kanila.