Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang matutuldukan ang giyera sa pagitan ng US at Iran sa gitna ng nakatakdang pirmahang kasunduan para sa isang peace deal.
Sa joint press briefing nina Pangulong Marcos Jr. at German President Frank-Walter Steinmeier, sinabi ng Pangulo na ito ang matagal na niyang hinihintay at ito ang isa sa pinakamagandang balitang inaasahan ng lahat.
Lubha aniyang nakaapekto ang labanan sa maraming bansa sa buong mundo gaya ng Germany at Pilipinas na nagpahirap sa buhay ng mga tao.
Ang hinihintay aniya ngayon ng marami ay ang kaganapan ng napipintong kasunduan na sana ay wala nang anomang maging hadlang para magsimula na ding makabangon ang ekonomiya.
Umaasa din ang Pangulo na sa lalagdaang agreement ay mawawakasan na rin ang kalbaryong nararanasan mula sa pagsirit sa presyo ng langis na epekto ng gulo sa Gitnang Silangan.