Galit at inis ang naramdaman ni Public Works and Highways Sec. Vince Dizon matapos ang ginawang inspeksyon nito sa mga proyekto ng kanyang ahensya sa loob at paligid ng DPWH.
Ayon sa kalihim, nakatengga ang proyekto at kakaunting manggagawa lamang ang kanyang nakita kahit pa 2024 pa nasimulan ang naturang proyekto o kasalukuyang nasa 17% completion rate pa lamang.
Nangako naman ang Edison Construction na tatapusin ang nasabing proyekto ng hanggang September o October ng taong ito subalit duda si Dizon kaya’t binantaan nito ang nasabing construction company na tatanggalin niya ang mga ito at kakasuhan.
Mas lalo namang uminit ang ulo ni Dizon matapos nitong madiskubre mismo sa mga contractor na ka-joint venture pala ng mga ito ang kapatid ni Zaldy Co na FS Co Construction.
Giit ni Dizon, isa ito sa posibleng dahilan kung inabot ng taon ang simpleng drainage improvement project.