Hindi na naitago ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagka-dismaya matapos madatnan ang delayed na flood control project sa sa UP-PGH sa Ermita, Maynila.
Ayon sa kalihim, 16% pa lamang ang accomplishment kahit sinimulan noon pang December 2024 o isa’t kalahating taon na ang nakalipas.
Magtatag-ulan na naman at babahain na naman ang nasabing ospital. Importante aniya na matapos agad ang flood control dahil madaming tao ang nagpupunta sa ospital.
Nakarating na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sitwasyon at dismayado rin sa nangyari.
Bukod sa flood control project, binisita rin ng kalihim ang ilan pang mga nakabinbing building projects ng ahensya sa ospital, bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang mga kakulangan sa pasilidad sa mga pampublikong ospital, upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasyente at empleyado, at hindi maaantala ang pagbibigay ng serbisyong medikal.