Binati ni Speaker Faustino Dy III si Senador Sherwin Gatchalian sa kanyang pormal na pagkakahalal bilang Senate President.
Tiniyak ni Speaker Dy na magpapatuloy ang mas mahigpit na pagtutulungan sa pagitan ng Kamara at Senado sa ilalim ng bagong liderato.
Ayon sa kanya, isang mahalagang panahon ang pag-upo ni Gatchalian sa liderato ng Mataas na Kapulungan, lalo na sa gitna ng pagtalakay ng Kongreso sa mga mahahalagang panukalang batas para sa kapakanan ng sambayanan.
Umaasa ang lider ng Kamara na magkakaroon ng mas produktibong partnership sa pamunuan ng Senado, na ginagabayan ng mutual respect at iisang layunin na magsilbi sa bansa.
Dagdag pa ni Dy, nananatiling nakatutok ang Kamara sa legislative agenda nito at inaasahang makakatuwang ang Senado sa pagsusulong ng inclusive growth, pagpapalakas ng mga institusyon, at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.###