Tiniyak ni ICC-accredited Lawyer Atty. Gilbert Andres na siya ring tumatayong abogado ng ilang biktima ng war on drugs na hindi otomatikong maaantala ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil sa panibagong medical examination.
Ani Andres, isang normal na proseso sa ICC ang pagsusuri sa isang akusado kung fit to stand trial ito.
Paliwanag niya, bahagi ito ng fair trial rights o karapatan ng akusado sa patas na paglilitis.
Tinitingnan aniya kung naiintindihan ng akusado ang kaniyang mga karapatan, ang prosesong kinakaharap niya, at kung kaya niyang magbigay ng tagubilin sa kaniyang abogado.