Photo from DSWD
Naghatid na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga sa pamilya ng nasawing student-athlete na si Rene Clert Baterbonia, na dating child beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Talacogon, Agusan del Sur.
Personal na ipinagkaloob ng Agusan del Sur SWAD Team ang tulong pinansyal para sa pamilya ni Rene na kinabibilangan ng funeral at transportation subsidy sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Ayon sa DSWD, patuloy ang kanilang suporta sa mga pamilyang dating benepisyaryo ng 4Ps lalo na sa panahon ng krisis at pangangailangan.