Labis na ikinadismaya ni International Criminal Court o ICC-accredited Lawyer Atty. Gilbert Andres ang mga naging pahayag ni Senador Robin Padilla hinggil sa nalalaman nito hinggil sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inihayag ni Padilla na kahit pa may nalalaman umano siya sa kinaroroonan ng puganteng si Senador Bato ay hindi umano niya ito sasabihin.
Ani Andres, maituturing na rin itong paglabag sa tungkulin ni Padilla bilang isang senador na inihalal sa isang public office.
Nakakalungkot umano, na mayroong mga senador na hindi nakikipagtulungan sa law-enforcement agencies para ipatupad ang ICC arrest warrant laban kay Senador Bato dela Rosa.