Nasa 10-M facemasks, naibigay na ng OCD sa Albay kaugnay ng aktibidad ng Mayon
Naibigay na ng Office of Civil Defense (OCD) ang alokasyong 10 milyong facemask at 160,000 N95 mask para sa mga residente ng Albay kaugnay pa rin ng aktibidad ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Head Oscar Robert Cristobal, ibinase ang alokasyon ng mga facemask sa populasyon at lawak ng lupain ng bawat munisipalidad sa lalawigan ng Albay.
Dagdag pa ni Cristobal, malaking tulong ang ipinagkaloob na alokasyon ng mga facemask ng OCD upang maiwasan ang mapaminsalang epekto ng ashfall sa mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Mayon.
About the Author
Rodel Come
Editor
Ivatan born. Graduate of the Technological Institute of the Philippines – Quezon City (TIP-QC). Currently, I serve in the Digital Media Division of the Presidential Broadcast Service