Sumampa na sa 78 ang bilang ng mga napapaulat na nasawi bunsod ng pagtama ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kamakailan.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8AM ngayong araw, June 18.
Ayon sa NDRRMC, 78 sa mga napaulat na nasawi ay buhat sa SOCCSKSARGEN region habang 21 naman ang mula sa Davao region.
Humigit kumulang 1,339 ang napaulat na nasugatan dahil sa malakas na pagyanig habang 30 naman ang nawawala.
Nasa mahigit 18,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers mula sa humigit kumulang 1.4 milyong apektado ng lindol sa mga rehiyon ng Zamboanga, Davao, SOCCSKSARGEN at BARMM.
Gayunman, nilinaw ng NDRRMC na ang mga napaulat na nasawi ay kinakailangan pang dumaan sa validation ng Management of the Dead and Missing ng Department of the Interior and Local Government (DILG).